𝐃𝐀𝐀𝐍-𝐃𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐎𝐍𝐆𝐈𝐒 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐘𝐔𝐃𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐇𝐀

Dinagsa ng mga residente ng Sultan sa Barongis ang isinagawang Give Heart Relief Operations ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur noong Hulyo 30, 2026, kung saan ipinamahagi ang mga food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Ang relief operation ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., sa pangunguna ng Provincial Government Office (PGO) at Provincial General Services Office (PGSO), katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ang Give Heart Team.

Layunin ng programa na makapagbigay ng agarang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng kalamidad, habang patuloy ang kanilang pagbangon mula sa pinsalang dulot ng pagbaha.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ang relief operations ng mas malawak na “Serbisyong May Puso” na naglalayong tiyaking walang pamilyang maiiwan sa panahon ng sakuna.

Kasabay nito, patuloy ding isinusulong ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Hisham S. Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu ang pagpapalawak ng mga flood adaptation initiatives upang mapataas ang kahandaan ng mga komunidad sa pagbaha, mapabuti ang daloy ng tubig sa mga ilog at sapa, at mabawasan ang epekto ng mga kalamidad sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032249
Views Today : 75
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 539
Views Last 30 days : 2191
Views This Month : 874
Views This Year : 34217
Total views : 46352