Ginawaran ng Commission on Audit (COA) ng Unmodified Opinion ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur para sa Financial Statements nito na nagtapos noong Disyembre 31, 2025, batay sa inilabas na Annual Audit Report.
Ang Unmodified Opinion ay nangangahulugang ang financial statements ng lalawigan ay naihanda nang maayos at makatotohanan, alinsunod sa itinakdang financial reporting framework, kabilang ang International Public Sector Accounting Standards (IPSAS).
Isinagawa ang opisyal na turnover ng Annual Audit Report sa pagdalo nina Provincial Administrator Datu Nur-Ali U. Midtimbang, Provincial Accountant Atty. Hamseya T. Abpi, CPA, State Auditor IV Sinsuat P. Magumpara, CPA, at Atty. Rosario R. Dimen-Santos, CPA, State Auditor IV at Officer-in-Charge, Supervising Auditor.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa sama-samang pagsisikap ng mga opisyal at kawani upang mapanatili ang mataas na antas ng transparency, accountability, at maayos na pamamahala sa pampublikong pananalapi.
Patunay rin ito ng patuloy na pagpapatupad ng mahusay na financial management at responsableng paggamit ng pondo para sa kapakinabangan ng mamamayan ng Maguindanao del Sur.







Views Today : 53
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2176
Views This Month : 791
Views This Year : 34134
Total views : 46269
Leave a Reply