𝐀𝐋𝐈 𝐂𝐀𝐑𝐄𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐍𝐓𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kabuhayan at pangmatagalang kapayapaan ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur matapos magsagawa ng site inspection para sa itatayong KABUHAYAN HUB sa Bayan ng Datu Saudi Ampatuan noong Agosto 3, 2026.

Isinagawa ang inspeksyon sa pangunguna ng Office of the Provincial Administrator, sa ilalim ng direktiba ni Provincial Administrator Datu Nur-Ali U. Midtimbang, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang nakatuon sa sustainable livelihood at inclusive economic development.

Dumalo rin sa aktibidad si Municipal Mayor Hon. Bassir D. Utto, kasama ang mga kinatawan ng Office of the Provincial Engineer, na nagpamalas ng matibay na koordinasyon ng pamahalaang panlalawigan at lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.

Ang itatayong KABUHAYAN HUB ay pangunahing proyekto sa ilalim ng Assistance to Local Industries and Community Active Response for Economic Sustainability (ALI CARES) component ng Provincial Government’s Assistance for Economic Normalization and Sustainable Opportunities (PAGASENSO) Program.

Layunin ng proyekto na magsilbing sentro ng livelihood development, entrepreneurship, at economic empowerment para sa Former Violent Extremists (FVEs), sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad sa kabuhayan na makatutulong sa kanilang reintegration sa lipunan, pagtataguyod ng self-reliance, at pagpapabuti ng kalidad ng kanilang pamumuhay.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, muling pinagtitibay ng inisyatibong ito ang pangako nitong isulong ang inclusive development, peacebuilding, at economic resilience, sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming oportunidad na magpapalakas sa mga komunidad at mag-aambag sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032249
Views Today : 75
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 539
Views Last 30 days : 2191
Views This Month : 874
Views This Year : 34217
Total views : 46352