Iniharap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Administrator, ang DATU ALI NG MDS Peace and Order Program sa 602nd Infantry Brigade, 6th Infantry Division, Philippine Army nitong Agosto 11, 2026.
Ginanap ang presentasyon sa headquarters ng 602nd Infantry Brigade sa Carmen, North Cotabato, sa ilalim ng pamumuno ni COL Romeo N. Bautista III, INF (GSC), PA, Acting Brigade Commander.
Sa utos ni Provincial Administrator Datu Nur-Ali U. Midtimbang, inilahad ni Mr. Roger D. Dionisio ang integrated approach ng lalawigan sa peacebuilding, conflict prevention, reconciliation, reintegration, at sustainable development.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagpapatupad ng community dialogue, rido settlement, at conflict prevention. Binigyang-pansin din ang reintegration ng Former Violent Extremists (FVEs) sa pamamagitan ng livelihood, education, at employment opportunities sa ilalim ng PaGASENSO Program o Provincial Government’s Assistance for Economic Normalization and Sustainable Opportunities.
Kasama rin sa mga inilahad ang panukalang Kabuhayan Hub, na nakatuon sa pagbibigay ng mga oportunidad na makatutulong sa pagbabalik ng mga benepisyaryo sa produktibong pamumuhay at sa komunidad.
Naging mahalaga rin ang pagpupulong sa pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng provincial government at security sector, kabilang ang pagtukoy sa mga posibleng lugar para sa magkasanib na peace and development interventions.
Sa pamamagitan ng mas matibay na partnership sa pagitan ng pamahalaan at security sector, layunin ng DATU ALI NG MDS Program na maisulong ang isang mas pinag-isang approach sa pagbuo ng mapayapa, matatag, at progresibong mga komunidad sa Maguindanao del Sur.








Views Today : 72
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 536
Views Last 30 days : 2188
Views This Month : 871
Views This Year : 34214
Total views : 46349
Leave a Reply