Patuloy ang clearing operations ng Pamahalaang Panlalawigan sa Bayan ng Talayan ngayong ikalawang linggo ng Agosto bilang bahagi ng mga hakbang upang mapababa ang panganib ng pagbaha sa mga komunidad.
Ngayong Agosto 10, 2026, nakatuon ang Waterways Support Team sa Barangay Tambunan I, katuwang ang Provincial General Services Office (PGSO), Provincial Engineering Office, at DPWH Region XII.
Pangunahing layunin ng operasyon ang paglilinis at pagsasaayos ng mga daluyan ng tubig sa mga flood-prone areas. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga bara sa mga kanal at estero, inaasahang mapapabilis at mapapabuti ang daloy ng tubig-ulan at baha, partikular tuwing nakararanas ng malakas na pag-ulan.
Patuloy namang pinaiigting ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Gov. Datu Ali Midtimbang Sr., Vice Gov. Hisham S. Nando, at Cong. Esmael “Toto” Mangudadatu ang mga programa para sa flood prevention at preparedness.
Layunin ng mga hakbang na ito na mapalakas ang kakayahan ng mga komunidad na harapin ang pagbaha at maprotektahan ang mga residente at kanilang kabuhayan mula sa epekto ng matinding pag-ulan.








Views Today : 53
Views Yesterday : 60
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2176
Views This Month : 791
Views This Year : 34134
Total views : 46269
Leave a Reply