𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍-𝐋𝐄𝐃 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐋𝐈𝐇𝐎𝐎𝐃𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐆𝐒𝐊𝐏 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐍𝐆 𝐆𝐈𝐕𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐀𝐆𝐄𝐍𝐃𝐀

Nagsagawa ng monitoring visit ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, sa pamamagitan ng Provincial Gender and Development (GAD) Office, sa mga organisasyon ng kababaihan sa GSKP nitong Agosto 11, 2026.

Naging sentro ng pagbisita ang pakikipagdayalogo sa mga women’s organizations at pagsusuri sa kalagayan ng mga makinarya at kagamitang ipinagkaloob kamakailan sa ilalim ng Papedtayan Program, kabilang ang manual at electric sewing machines, dough mixer, at iba pang kagamitan para sa kanilang mga livelihood activities.

Sa isinagawang monitoring, nakita rin ang mga aktibong negosyo at mga produktong ginagawa mismo ng mga miyembro ng mga organisasyon, na nagpapakita ng paggamit sa mga ipinagkaloob na kagamitan bilang suporta sa kanilang kabuhayan.

Katuwang sa monitoring ng mga livelihood projects ang Kamalayan Partylist, na patuloy na nagsusulong ng mga oportunidad sa paggawa at suporta sa kabuhayan ng mga pamilya.

Sa ilalim ng Give Heart Agenda, tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Governor Datu Ali Midtimbang, Vice Governor Hisham Nando, at Cong. Esmael “Toto” Mangudadatu ang patuloy na suporta sa sektor ng kababaihan.

Binigyang-diin na ang pagpapalakas sa kakayahan ng kababaihan sa negosyo at kabuhayan ay mahalagang hakbang upang mapaunlad ang kita ng pamilya at makatulong sa pangmatagalang pag-unlad ng Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032242
Views Today : 67
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 531
Views Last 30 days : 2183
Views This Month : 866
Views This Year : 34209
Total views : 46344