Ipinagdiwang ng bayan ng South Upi ngayong Agosto 12, 2026 ang opisyal na pagkumpleto ng bagong Covered Court, na itinuturing na dagdag na pasilidad para sa mga programa, aktibidad, at pagtitipon ng komunidad.
Matapos ang ilang buwang konstruksyon at koordinasyon sa bawat yugto ng proyekto, umabot na sa 100% completion ang gusali at nakatakdang magsilbi sa mga residente ng South Upi.
Ang proyekto ay bahagi ng patuloy na infrastructure initiatives ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang, katuwang sina Vice Governor Hisham Nando at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu.
Nakiisa rin ang LGU South Upi sa pangunguna ni Mayor Helen Benito-Padua, kasama ang Kamalayan Partylist, sa pagsuporta sa naturang proyekto.
Bukod sa pagiging pasilidad para sa sports at community gatherings, inilalarawan ang covered court bilang isang safe space para sa mga kabataan at residente upang magsagawa ng mga aktibidad sa palakasan, kultura, dayalogo, at iba pang gawaing nagtataguyod ng pagkakaisa.
Binigyang-diin din ng Pamahalaang Panlalawigan na ang pagkakaroon ng maayos na community facilities ay bahagi ng kanilang peacebuilding advocacy, dahil nagbibigay ito ng lugar kung saan maaaring magsama-sama ang mga mamamayan sa ligtas at maayos na kapaligiran.
Ang bagong pasilidad ay kabilang sa mga proyektong naglalayong palawakin ang access ng mga komunidad sa imprastraktura at suportahan ang mas ligtas, mas maayos, at mas aktibong pamayanan sa Maguindanao del Sur.







Views Today : 72
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 536
Views Last 30 days : 2188
Views This Month : 871
Views This Year : 34214
Total views : 46349
Leave a Reply