Mahigit 200 benepisyaryo mula sa Barangay Kulayan, South Upi ang nakatanggap ng food assistance mula sa Office of the Vice PresidentβBARMM Satellite Office (OVP-BARMM SO) sa isinagawang Relief of Individuals and Indigents in Crises and Emergencies (R.I.I.C.E.) Distribution noong Agosto 5, 2026.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga magsasaka at miyembro ng Indigenous Peoples (IP) community, na pinagkalooban ng R.I.I.C.E. food bags bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Bahagi ang pamamahagi ng pagsisikap ng OVP-BARMM SO na maabot ang mga komunidad, kabilang ang mga nasa malalayong lugar, at makapaghatid ng agarang tulong sa mga sektor na umaasa sa agrikultura bilang pangunahing kabuhayan.








Views Today : 74
Views Yesterday : 61
Views Last 7 days : 538
Views Last 30 days : 2190
Views This Month : 873
Views This Year : 34216
Total views : 46351
Leave a Reply