Mariing kinondena ni Abdulnasser “Thong” M. Abas ang naganap na ambush sa convoy ni Bangsamoro Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat.
Sa kanyang inilabas na statement, sinabi ni Abas na walang lugar ang ganitong uri ng karahasan sa isang komunidad na patuloy na nagsisikap para sa pangmatagalang kapayapaan at katatagan. Nagpaabot din siya ng pakikiisa at malalim na pag-aalala kay Macacua, sa mga kasama nito sa convoy at sa lahat ng naapektuhan ng insidente.
Nanawagan si Abas sa mga kinauukulang awtoridad na magsagawa ng mabilis, masusing at walang kinikilingang imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan at mapanagot sa batas ang mga responsable. Hinimok din niya ang mga Bangsamoro na manatiling kalmado, mapagbantay at nagkakaisa, at huwag hayaang manaig ang karahasan, takot o pagkakahati-hati.







Views Today : 53
Views Yesterday : 91
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2219
Views This Month : 731
Views This Year : 34074
Total views : 46209
Leave a Reply