𝐌𝐈𝐋𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐒𝐇𝐎𝐖 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑 𝐊𝐀𝐔𝐆𝐍𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐔𝐌𝐀𝐍𝐎’𝐘 ₱𝟔.𝟖𝟖-𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐀𝐊𝐒𝐈𝐘𝐎𝐍𝐆

Pinagpapaliwanag ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ang isang barangay chairman sa Cotabato City kaugnay ng reklamong nag-aakusa ng umano’y iregularidad sa paggamit at paglalabas ng pondo ng barangay na umaabot sa ₱6.88 milyon.

Sa Memorandum Order No. 112, Series of 2026, na may petsang Agosto 19, 2026, inatasan ng MILG si Zailon A. Kasan, Punong Barangay ng Tamontaka III, na magsumite ng nakasulat na paliwanag sa loob ng 72 oras mula sa pagtanggap ng kautusan.

Ayon sa dokumento, ang show cause order ay kaugnay ng isang Verified Complaint-Affidavit na inihain ni Harris B. Mohamad Jr. noong Agosto 10, 2026. Kabilang sa mga reklamong binanggit ang grave misconduct, gross negligence, dereliction of duty, abuse of authority, at iba pang kaugnay na alegasyon hinggil sa umano’y disbursement at/o disposition ng pondo ng barangay.

Nakasaad din sa memorandum na ang mga alegasyon ay may kaugnayan sa 28 transaksiyon na umano’y isinagawa sa loob lamang ng isang araw noong Agosto 6, 2024. Gayunman, ang show cause order ay bahagi ng proseso upang mabigyan ng pagkakataon ang inirereklamong opisyal na magpaliwanag bago matukoy kung may nararapat na administrative action.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

032132
Views Today : 52
Views Yesterday : 91
Views Last 7 days : 518
Views Last 30 days : 2218
Views This Month : 730
Views This Year : 34073
Total views : 46208