MANILA – Hindi na matutuloy ang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections na nakatakda sana sa Oktubre 13, 2025.
Ayon kay Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Supreme Court, inatasan ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na makapagpasa ng bagong batas hinggil sa distritong pambatasan bago o hanggang Oktubre 30, 2025.
Samantala, ang Commission on Elections (COMELEC) ay inatasan ng Korte Suprema na isagawa ang BARMM Parliamentary Elections hindi lalampas sa Marso 2026.
Ang nasabing desisyon ay nagdulot ng panibagong yugto sa Bangsamoro democratic transition, matapos ang serye ng kontrobersiya hinggil sa gerrymandering at legalidad ng mga nasabing batas.
Ito rin ang unang pagkakataon na tuwirang pinatigil ng Korte Suprema ang isang nakatakdang halalan sa BARMM dahil sa isyu ng legalidad ng mga parliamentary districts.







Views Today : 122
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 874
Views Last 30 days : 4439
Views This Month : 3092
Views This Year : 29686
Total views : 41821
Leave a Reply