Mainit na sinalubong ng Alumni Office ng International Islamic University Islamabad ang Bangsamoro delegation mula sa BARMM. Ibinahagi ng Alumni Office ang mga bagong programa at pormal na inanunsyo ang pagbuo ng IIUI Alumni Chapter sa Pilipinas.
Kabilang sa delegasyon sina Director General Esmael Ebrahim at BARMM Vice Governor Hisham Nando, na parehong alumni ng IIUI. Nagpahayag sila ng suporta at pasasalamat sa pagsisikap ng unibersidad na palakasin ang global alumni network.
Nagtungo rin sila sa International Institute of Islamic Economics at sa Faculty of Shariah, Arabic at Usuluddin upang talakayin ang posibleng academic collaborations at student exchange programs.
Nagtapos ang pagbisita sa muling pagtitiyak ng delegasyon na palalakasin ang alumni engagement sa Pilipinas at susuportahan ang mga susunod pang partnership initiatives sa pagitan ng IIUI at Bangsamoro institutions.








Views Today : 49
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 581
Views Last 30 days : 3539
Views This Month : 2165
Views This Year : 18027
Total views : 30162
Leave a Reply