Ipinaalala ng Project SALAM na ang programa ay para lamang sa mga mujahidin, lalo na iyong mga hindi nakasama sa ibang government support programs. Ang inisyatiba, na sinimulan ni MILF Chairman Alhaj Murad Ebrahim at ipinagpapatuloy ng Chief Minister, ay may layuning maiabot ang tulong sa mas maraming mujahidin.
Nasa 13,000 na ang kasalukuyang benepisyaryo, ngunit nagpapatuloy ang pagtatangka na palawakin pa ito upang matugunan ang pangangailangan ng tinatayang 100,000 mujahidin. Tiniyak ng opisina na mananatili silang tapat sa prinsipyo ng “no mujahidin left behind” bilang bahagi ng pangako ng Bangsamoro Government para sa mas maunlad at mas inklusibong kinabukasan.








Views Today : 49
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 581
Views Last 30 days : 3539
Views This Month : 2165
Views This Year : 18027
Total views : 30162
Leave a Reply