MARITIME SECURITY, PINAPALAKAS SA BANGSAMORO

Bilang bahagi ng pagpapalakas sa Maritime Security sa Bangsamoro region, dumalo si MP Suharto ‘Teng’Ambolodto sa isinagawang 𝟑𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭ation 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐒𝐞𝐜𝐮𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐚𝐰 En𝐟𝐨𝐫𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐞𝐧t 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐜𝐡𝐚𝐧𝐢𝐬𝐦 katuwang ang mga kinatawan mula sa iba't-ibang ahensya- kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP Maritime Group–BAR, at Philippine Coast Guard (PCG) na ginanap sa 5 Hall, Al-Nor Hotel and Convention, Cotabato City.

Ang nasabing talakayan ay sa pangunguna ng Bangsamoro Ministry of Public Order and Safety (MPOS) ng Bangsamoro Region na naglalayong ipresenta ang mga mandato, programa, at patuloy na mga hakbangin ng mga ahensya kaugnay sa maritime security ng Bangsamoro.

Binigyang-diin din ng mga ito ang hamon sa larangan ng pagbuo ng isang mas pinaigting na mekanismo sa rehiyon para sa pagpapabuti ng kooperasyon at pagpapatupad ng batas tungo sa seguridad ng aspetong pandagat ng Bangsamoro.

Ang naturang inisyatiba ay susi sa pagkakaisa at pagpapanatili sa pag-unlad ng mga estratehiya para sa maritime governance partikular sa mga coastal areas ng Maguindanao del Norte at Lanao del Sur.

Ayon kay MP Teng, kanyang susuportahan ang mga hakbang tungo sa pagpapabuti sa yamang dagat sa pamamagitan ng ibinahaging pamamahala upang mapanatili ang Bangsamoro maritime domain na kung saan maaaring umunlad sa isang tunay na pundasyon ng kapayapaan, katatagan, at napapanatiling pag-unlad.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagpapatibay ng Bangsamoro Government na pahusayin ang inter-agency coordination para sa maritime security, pangangalaga sa kapaligiran, at pangmatagalang pag-unlad sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020678
Views Today : 59
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 591
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2175
Views This Year : 18037
Total views : 30172