Binibigyang-diin ni MP Mohagher Iqbal na hindi maaaring magpatuloy ang kapayapaan kung hindi haharapin ang historical injustices na dinanas ng Bangsamoro. Ayon sa kanya, ang TJR Report ay patunay ng matagal nang hinaing at sugat ng komunidad, at ang reconciliation ay dapat nakabatay sa katotohanan, hindi paghihiganti.
Ipinagmalaki niyang napagkasunduan na ng GPH at MILF ang TJR roadmap—isang malaking tagumpay sa pagpapatupad ng CAB. Sinabi rin niyang kinakailangan ang paglikha ng National Transitional Justice and Reconciliation Commission, dahil ang usapin ng karapatan, mass killings, at historical injustices ay hindi lamang responsibilidad ng BARMM, kundi ng buong bansa.
May ilang panukalang batas nang nakabinbin sa Kongreso at umaasa si Iqbal na maipapasa ang mga ito sa lalong madaling panahon. Sa huli, hinimok niya ang lahat na manatiling matatag sa paghangad ng katarungan at paghilom para sa buong Pilipinas.

Bagama’t hindi na maibabalik ang maraming pangyayaring nagdulot ng pagdurusa, iginiit niyang kailangang tugunan at kilalanin ang nakaraan upang magkaroon ng tunay na paghilom at kapayapaan.






Views Today : 64
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 596
Views Last 30 days : 3554
Views This Month : 2180
Views This Year : 18042
Total views : 30177
Leave a Reply