Matagumpay na isinagawa ng Provincial Government of Maguindanao del Sur ang isang malawakang GiveHeart Medical Mission sa bayan ng South Upi bilang bahagi ng adbokasiyang Midtimbang Cares: Alagang Tapat, Serbisyong May Puso, Tuloy ang Pagbabago.
Layunin ng aktibidad na mailapit sa mamamayan—lalo na sa mga bulnerable at malalayong komunidad—ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at suportang panlipunan. Sa naturang medical mission, libo-libong residente ang nakinabang sa libreng dental care, medical consultation, incision services o tuli, libreng gamot, at libreng reading glasses para sa mga senior citizens. Nagkaroon din ng libreng haircut at pamamahagi ng armchairs, bags, canes, at school supplies para sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Kasama rin sa programa ang feeding activity para sa mga kabataan at pamamahagi ng bigas bilang karagdagang tulong sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa bayan ng Pandag, patunay ng mabilis at tumutugong aksyon ng pamahalaang panlalawigan sa mga agarang pangangailangan ng mamamayan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng tuluy-tuloy na pagsisikap na tiyakin na may pantay na akses ang bawat mamamayan ng Maguindanao del Sur sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan at serbisyong panlipunan, anuman ang lokasyon o kalagayan sa buhay.
Sa pamumuno ni Datu Ali Midtimbang, patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang mga programang may malinaw na malasakit at konkretong epekto sa komunidad. Aniya, ang Serbisyong May Puso ay hindi lamang slogan kundi aktwal na pagkilos upang mapabuti ang kalusugan, dignidad, at kabuhayan ng bawat Maguindanaon.
Ang medical mission sa South Upi ay isa lamang sa mga patunay ng patuloy na pagbabago at makataong pamamahala ng Provincial Government of Maguindanao del Sur—isang pamahalaang nakatuon sa kalusugan, kapakanan, at kinabukasan ng mamamayan.







Views Today : 27
Views Yesterday : 85
Views Last 7 days : 828
Views Last 30 days : 3502
Views This Month : 2810
Views This Year : 18672
Total views : 30807
Leave a Reply