Matagumpay na isinagawa ang Istiqbal Ramadhan kagabi na ginanap sa FBS Covered Court, Barangay Sub-Office, Bagua 2 Cotabato City.
Dumalo sa pagtitipon ang mga ustadz, ustadza, Barangay Official, Purok leaders at mga Residente ng nasabing barangay upang sama-samang ihanda ang kanilang mga sarili sa pagdating ng banal na buwan ng Ramadhan, Isa sa limang haligi ng Islam.
Sa kanyang mensahe nais ni Kap Fahad Singh na palawakin ang kamalayan at pang-unawa ng mga residente nito sa pananampalataya, pagninilay at sakripisyo, isang spiritual na tungkulin bilang isang mananampalatayang Islamiko.
Bukod pa dito may mga programa din ang Barangay para sa Buwan ng Ramadhan tulad ng Ramadhan Trade Fair, Qur’an Reading Competition, Adhan Competition, Symposium at marami pang iba.
Layunin ng nasabing pagtitipon na palakasin ang ugnayan ng mga Muslim at ipaalala ang tunay na diwa ng Ramadhan- ang pananalangin, pagbibigayan at pagsasakripisyo para sa mas matibay na pananampalataya ng mga rssidente at karating-lugar nito.
Sa huli Hinihikayat ni Kap Fahad ang lahat ng residente at kalapit-barangay nito na makilahok at bisitahin ang mga handog nitong programa sa Barangay para sa darating na Ramadhan bilang bahagi ng kanyang programang Bagong Mukha, Bagong Bagua








Views Today : 102
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 680
Views Last 30 days : 3629
Views This Month : 2347
Views This Year : 18209
Total views : 30344
Leave a Reply