𝟏,𝟏𝟎𝟖 𝐄𝐌𝐏𝐋𝐄𝐘𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐆 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐌𝐀𝐘 𝐓𝐈𝐆-𝟓𝟎 𝐊𝐈𝐋𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐀𝐓 𝐆𝐑𝐎𝐂𝐄𝐑𝐘 𝐏𝐀𝐂𝐊𝐒 𝐒𝐀 𝐑𝐀𝐌𝐀𝐃𝐀𝐍

Sa pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan 1447H, naghatid ng malaking tulong at malasakit ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa pamamagitan ng Gender and Development Unit nito, matapos mamahagi ng dalawang (2) sako ng tig-25 kilong bigas at kumpletong grocery packages sa 1,108 regular at contract of service employees ng Main Office ngayong Pebrero 24, 2026.

Bukod sa kabuuang 50 kilo ng bigas bawat empleyado, kabilang sa grocery pack ang mahahalagang pangangailangan tulad ng cooking oil, toyo, suka, kape, asukal, gatas, sotanghon, macaroni, prutas na de lata, keso, condensed milk, nata de coco, kaong, dried fish, sibuyas, bawang, at iba pang pangunahing sangkap para sa pang-araw-araw na pagkain—pati dalawang laundry baskets bilang dagdag na suporta sa bawat pamilya.

Ipinahayag ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal ang kanyang pasasalamat sa mga naging katuwang sa pagsasakatuparan ng programa. “Masaya ako at may program tayong ganito at nagpapasalamat ako sa mga taong naging instrumento para maging matagumpay ang programang ito,” ani Iqbal.

Ayon sa Ministry, ang inisyatibang ito ay taunang isinasagawa bilang pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng mga kawani, lalo na sa panahon ng Ramadan kung saan ang pag-aayuno at pagninilay ay mahalagang bahagi ng pananampalataya. Layunin nitong gawing mas magaan at mas masaya ang paggunita ng banal na buwan para sa mga empleyado at kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng konkretong suportang ito, muling pinatunayan ng MBHTE na ang pamumuno ay hindi lamang nakatuon sa polisiya at programa, kundi sa malasakit at pagkalinga sa sariling hanay—isang diwang angkop sa diwa ng Ramadan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020784
Views Today : 86
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 664
Views Last 30 days : 3613
Views This Month : 2331
Views This Year : 18193
Total views : 30328