Mainit na tinanggap ni Hisham S. Nando ang mga kababaihang kalahok sa ginanap na Islamic Sectoral and Community Nights sa Provincial Capitol Grounds nitong Marso 2, 2026, bilang bahagi ng Barakah nu Ramadhan Islamic Symposium.
Ang programa ay pinangunahan ng Bangsamoro Islamic Women Auxiliary Brigade (BIWAB), Women’s Sector at Social Welfare Committee (SWC) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), na naglalayong palakasin ang papel ng kababaihan sa pananampalataya at komunidad.
Dumalo ang mga kababaihan mula sa 9th Base Command at apat na lalawigan ng MILF sa nasasakupan ng Maguindanao del Sur. Tampok sa symposium ang mga paksang “Women in Islam” ni Alima Akrima Abdulgapar, “Role of Women in the Community” ni Alima Farida Abdulgapar, at “Role of Men and Women in Marriage” ni Alima Munera Safie.
Nakibahagi rin si Engr. Nemia K. Nando, maybahay ng Bise Gobernador, at nagpasalamat sa mga panauhin at kababaihang dumalo sa programa.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Governor Nando ang mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng matatag na pamilya at komunidad. Nagpahayag din siya ng pasasalamat kay Datu Ali M. Midtimbang sa patuloy na suporta nito sa mga programang nagpapalalim ng pananampalataya, pagkakaisa, at pag-unlad sa lalawigan.








Views Today : 89
Views Yesterday : 132
Views Last 7 days : 734
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 1569
Views This Year : 24148
Total views : 36283
Leave a Reply