₱𝟓.𝟐𝐌 𝐊𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐒𝐌𝐄𝐬 𝐒𝐀 𝐑𝐀𝐌𝐀𝐃𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐖𝐈-𝐓𝐀𝐖𝐈

Umabot sa ₱5.2 milyon ang kabuuang kita ng 53 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na sinuportahan ng Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT) sa Ramadhan Night Market 2026 hanggang nitong Marso 2, halos katumbas ng ₱5.9 milyong kabuuang benta noong nakaraang taon.

Ang nasabing night market ay inorganisa ng Provincial Government ng Tawi-Tawi katuwang ang MTIT Tawi-Tawi Provincial Office upang magbigay ng plataporma sa mga maliliit na negosyante na maipakita at maibenta ang kanilang mga produkto sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan.

Ngayong taon, 53 exhibitors ang lumahok sa event, mas mataas kumpara sa 44 vendors noong nakaraang taon, habang ang ilang mga stall ay nagsimulang magbukas pa noong Pebrero 19.

Opisyal na binuksan ang Ramadhan Night Market noong Pebrero 26 sa Masjid Raayat Complex sa pangunguna ni Yshmael I. Sali at MTIT Tawi-Tawi OIC Provincial Director Fatima Neyyar Hassan kasama ang iba pang opisyal sa ribbon-cutting ceremony.

Layunin ng inisyatiba na palakasin ang lokal na ekonomiya at bigyan ng mas maraming oportunidad ang mga MSMEs sa lalawigan habang ipinagdiriwang ang diwa ng Ramadhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020736
Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256