Mariing pinabulaanan ng Office of the Provincial Governor ang mga pahayag na inilabas ni Datu Rhenz Tukuran sa isang panayam sa media na umanoβy nag-uugnay sa administrasyon ng lalawigan sa presensya ng mga armadong grupo sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro.
Sa isang opisyal na pahayag, iginiit ni Datu Ali M. Midtimbang na walang katotohanan ang mga paratang na may kaugnayan ang kanyang administrasyon sa tinatawag na βprivate army,β at binigyang-diin na ang tanging kinikilalang armadong pwersa ay ang mga institusyong pinahihintulutan ng Konstitusyon at ng pamahalaang Bangsamoro.
Ayon sa gobernador, sa halip na magpalitan ng akusasyon sa publiko, nararapat na ipaubaya sa mga kinauukulang awtoridad ang pagsasagawa ng isang mabilis at patas na imbestigasyon upang matukoy ang tunay na pagkakakilanlan at grupo ng mga responsable sa mga naiulat na insidente ng karahasan.
Tinukoy rin ni Midtimbang ang usapin ng mga nakaraang rido o alitan ng mga angkan, na aniya ay matagal nang pinagsikapang resolbahin sa lalawigan. Binigyang-diin niya na hindi dapat hayaang muling magliyab ang mga lumang hidwaan dahil lamang sa mga hindi beripikadong ulat.
βOur priority is the safety of every Bangsamoro. We will not be distracted by political narratives that seek to divide us. If there are violations of the peace, let the proper authorities handle them based on facts, not hearsay,β pahayag ng gobernador.
Nanawagan ang pamahalaang panlalawigan sa lahat ng panig, kabilang ang lokal na pamahalaan ng Nabalawag, na pumasok sa konstruktibong dayalogo at magtulungan sa pagpapatupad ng batas at sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.
Iginiit ng provincial government na nananatili itong matatag sa mandato nitong pangalagaan ang kapayapaan, suportahan ang peace process, at tiyakin na mananaig ang rule of law sa bawat bahagi ng Maguindanao del Sur.






Views Today : 129
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 661
Views Last 30 days : 3619
Views This Month : 2245
Views This Year : 18107
Total views : 30242
Leave a Reply