
Nagsagawa ng isang makabuluhang Ramadhan Symposium sa Cotabato City Jail Dormitory para sa Person Deprived of Liberty o (PDL’s) noong araw ng Miyerkules, March 4,2026.
Ang nasabing programa ay mula sa inisyatiba ni CXJ-MD OIC Jail Warden JSINSP Mark Omar Sespeñe II katuwang si CCJ-FD Jail Warden JSINSP Cherry C. Durante na may temang ” Ramadhan: A Journey of Faith Reflection, Renewal and Hope”.
Pinangunahan ni Sheikh Saguir Salendab ang nasabing programa bilang panahuing taga-pagsalita kasama ang kinatawan mula sa tanggapan ni BTA Member of the Parliamentary at Deputy Floor Leader Atty. Suharto M. Ambolodto MNSA na nagpa-abot ng mensahe at matibay na suporta ng sa pamamagitan ng Therapeutic Community Modality Program (TCMP) sa mga pasilidad na ito- isang mahalagang bahagi ng mga hakbangin sa rehabilitasyon ng Bangsamoro Jail Management and Penology.
Layunin ng programang ito na maipahatid ang tunay na diwa ng Ramadhan – na naghahatid ng pananampalataya, pakikiramay at pagninilay-nilay sa mga taong higit na nangangailangan nito.
Sa naging mensahe ni Sheikh Salendab nagpaalala ito na ang Ramadhan ay hindi lamang panahon ng pag-aayuno kundi panahon din para sa espirituwal na pagbabago, personal na pagninilay at pagpapalakas ng pangako ng isang tao sa positibong pagbabago.
Bukod sa pinagsama-samang aktibidad ng mga Jail personnel at PLD’s kasama ang BS Criminology interns at BS Psychology interns mula sa mga Eskwelahang Kolehiyo sa lungsod ng Cotabato City ay nakatanggap din ng food packs para sa kanilang iftar ang mga PDL’s na nagpapakita ng suporta sa pagsulong ng pag-unlad ng mga indibiduwal sa loob ng mga pasilidad na ito.
Nagpaabot ng kanyang pagbati si MP Atty. Teng Ambolodto sa mga PDLs at Jail Personnels na patuloy na palakasin ng mga aral nitong pinagpalang banal na buwan ng Ramadhan ang pangako, pakikiramay , pagbabago at pangalawang pagkataon.





Views Today : 129
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 661
Views Last 30 days : 3619
Views This Month : 2245
Views This Year : 18107
Total views : 30242
Leave a Reply