𝐍𝐀𝐔𝐁𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐒𝐎𝐋𝐈𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐆𝐔𝐏𝐀𝐍—𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐈𝐂 𝐁𝐔𝐘𝐈𝐍𝐆?

Nagdulot ng pangamba sa ilang motorista ang pagkapos ng suplay ng gasolina sa isang gasolinahan sa Barangay Tapuac matapos dagsain ng mga sasakyan ang istasyon ng gasolina sa gitna ng balitang inaasahang taas-presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga ulat, mabilis na naubos ang fuel stocks ng gasolinahan matapos mag-unahan ang mga motorista sa pagpapakarga ng gasolina. Pinaniniwalaang dulot ito ng pangamba sa nalalapit na pump price hike na inaasahang epekto ng tumitinding tensyon at conflict sa Gitnang Silangan na maaaring makaapekto sa global oil supply.

Dahil dito, marami ang nagtanong kung ito na ba ang simula ng panic buying sa gasolina, lalo na kung patuloy na tataas ang presyo ng langis sa mga darating na araw.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang mga awtoridad kung magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng petrolyo sa ibang lugar ngunit pinaaalalahanan ang publiko na manatiling kalmado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024947
Views Today : 128
Views Yesterday : 103
Views Last 7 days : 874
Views Last 30 days : 3518
Views This Month : 1332
Views This Year : 23911
Total views : 36046