Naglabas ng matinding babala ang pamahalaan ng Iran matapos igiit na pumasok na sa isang βdangerous new phaseβ ang digmaan sa Gitnang Silangan, kasunod ng mga pag-atake sa energy infrastructure ng bansa.
Sa pahayag ni Esmaeil Baqaei, sinabi nitong ang patuloy na tensyon at mga pag-atake ay nagwasak umano sa pundasyon ng international law at nagdulot ng malawakang banta sa sangkatauhan.
Ayon sa kanya, ang United States at Israel ay umanoβy βtorpedoed diplomatic efforts,β dahilan upang lalo pang lumala ang krisis sa rehiyon.
Iginiit din ng Iran na ginagamit nito ang karapatan sa self-defense sa ilalim ng international law, kasunod ng mga strike na tumama sa mga fuel storage facilities ng bansa.
Babala ni Baqaei, ang pag-target sa mga fuel depots ay maaaring magdulot ng malawakang pagkalat ng toxic substances sa hangin na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ng sibilyan at sa kapaligiran.
Tinawag din ng Iranian official ang naturang mga pag-atake bilang war crimes, crimes against humanity, at genocide, habang iginiit na ang epekto ng environmental at humanitarian crisis na dulot ng mga strike ay maaaring umabot lampas sa hangganan ng Iran at makaapekto sa buong rehiyon.






Views Today : 129
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 661
Views Last 30 days : 3619
Views This Month : 2245
Views This Year : 18107
Total views : 30242
Leave a Reply