Idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang Marso 17, 2026 (Martes) bilang Special Non-Working Holiday sa buong lalawigan bilang paggunita sa ika-27 gabi ng Laylatul Qadr, na itinuturing na isa sa pinakabanal na gabi sa Islam.
Kasabay ng deklarasyong ito, sinuspinde rin ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga Muslim na mananampalataya na makibahagi sa panalangin, pagninilay, at iba pang gawaing panrelihiyon sa gitna ng banal na buwan ng Ramadan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang hakbang na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpapahalaga ng lalawigan sa pananampalataya, kultura, at espiritwal na identidad ng mga Bangsamoro. Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang komunidad na ganap na maipagdiwang ang “Night of Power,” isang gabi na iniuukol sa taimtim na pagsamba, pagkakaisa, at paglalapit sa Allah.








Views Today : 117
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 649
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2233
Views This Year : 18095
Total views : 30230
Leave a Reply