Tiniyak ng Iran sa Pilipinas ang ligtas at tuloy-tuloy na pagdaan ng mga barkong may bandilang Pilipino sa Strait of Hormuz, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Abril 2.
Sa isang opisyal na pag-uusap, nakipag-ugnayan si Theresa Lazaro kay Seyed Abbas Araghchi upang talakayin ang pagpapalakas ng bilateral cooperation sa iba’t ibang larangan.
Sa naturang pag-uusap, tiniyak ng panig ng Iran na pahihintulutan ang ligtas, walang hadlang, at mabilis na pagdaan ng mga Philippine-flagged vessels, kabilang ang mga energy shipments at mga Pilipinong seafarers, sa mahalagang ruta ng Strait of Hormuz.
Mahalaga ang garantiya na ito sa seguridad ng suplay ng enerhiya at sa kapakanan ng libu-libong Filipino seafarers na dumaraan sa nasabing international shipping lane—isa sa pinakamahalaga sa buong mundo para sa oil transport.







Views Today : 56
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 588
Views Last 30 days : 3546
Views This Month : 2172
Views This Year : 18034
Total views : 30169
Leave a Reply