Personal na bumisita si Datu Nur-Ali Midtimbang sa mga atletang delegado ng Maguindanao del Sur na kalahok sa BARMMAA 2026 na ginanap sa Parang.
Sa kanyang pagbisita, naghatid siya kasama ang kanyang koponan ng mga food pack at inuming tubig bilang suporta sa kalusugan at rehydration ng mga atleta at coaches. Ipinakita rin ang malasakit ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong hindi lamang sa sariling delegado kundi pati sa mga atleta mula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan.
Pinuri rin ang Team Maguindanao del Sur sa kanilang ipinakitang gilas at determinasyon sa kompetisyon, na nagdala ng karangalan sa lalawigan. Ipinahayag ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang buong suporta at paghanga sa dedikasyon ng mga atleta sa pag-abot ng tagumpay.






Views Today : 36
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 986
Views Last 30 days : 3706
Views This Month : 789
Views This Year : 23368
Total views : 35503
Leave a Reply