Patuloy ang pagpapatupad ng dredging project ng Provincial Government of Maguindanao del Sur katuwang ang Department of Public Works and Highways at ang Ministry of Public Works, bilang bahagi ng pinaigting na hakbang upang maiwasan ang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Noong April 13, 2026, isinagawa ang pamamahagi ng dredging equipment sa General Salipada K. Pendatun bilang pagpapatuloy ng mga proyekto sa paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig.
Layunin ng inisyatibang ito na mapalakas ang kapasidad ng mga ilog at waterways upang maiwasan ang pag-apaw at maprotektahan ang mga komunidad laban sa epekto ng matinding pag-ulan at pagbaha.
Ipinapakita ng proyekto ang maagap at konkretong aksyon ng pamahalaan sa disaster mitigation, na nakatuon sa kaligtasan, proteksyon, at kapakanan ng mga mamamayan—isang malinaw na patunay ng Serbisyong May Puso sa lalawigan.








Views Today : 67
Views Yesterday : 75
Views Last 7 days : 750
Views Last 30 days : 3582
Views This Month : 1809
Views This Year : 17671
Total views : 29806
Leave a Reply