BAGONG SIMULA, BAGONG TAHANAN: 100 CORE SHELTERS MULA SA BARMM PROJECT KAPYANAN, IPINAMAHAGI SA MGA COTABATEÑO

Isang makasaysayang araw ang naganap sa Barangay Tamontaka Mother nang personal na ipamahagi ng BARMM Project Kapyanan ang 100 units ng core shelters na may kasamang solar-powered lights sa mga Cotabateñong pamilya na dating informal settlers sa Rosary Heights 10.

Pinangunahan ni Assistant Senior Minister Abdullah “Dong” Cusain, Project Manager ng Kapyanan, ang turnover ceremony kung saan ipinaabot niya ang mainit na mensahe ni Chief Minister Abdulraof Macacua na ang proyekto ay hindi lamang pabahay, kundi pundasyon ng pag-asa, seguridad, at dignidad ng bawat pamilya.

Mula sa simpleng pangarap ng pagkakaroon ng sariling bahay, ngayon ay natupad na ito sa tulong ng Bangsamoro Government. Sa panig ni Mayor Bruce Matabalao, kanyang ipinaabot ang pasasalamat at pag-asa na mas marami pang maipapatupad na programang “Para sa Lahat, Aksyon ang Solusyon.”

Ang Project Kapyanan ay patuloy na nagbibigay ng tunay na serbisyo at tahanan para sa mamamayang Bangsamoro, kasabay ng pangarap na maitaguyod ang mas ligtas at mas maunlad na Cotabato City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020477
Views Today : 16
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 759
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 1918
Views This Year : 17780
Total views : 29915