“𝐖𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑 𝐀𝐍𝐃 𝐖𝐄 𝐎𝐁𝐄𝐘!”—𝐒𝐓𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐒𝐒𝐀𝐆𝐄 𝐑𝐄𝐋𝐄𝐀𝐒𝐄𝐃

Hindi na itinuloy nina Abdulhadie Butuan Gumander at Mosber E. Alauddin ang kanilang planong pagtakbo sa darating na 2026 BARMM Parliamentary Elections 2026 bilang paggalang umano sa naging rekomendasyon at desisyon ng Moro Islamic Liberation Front Central Committee.

Ayon kay Gumander, binawi niya ang kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) bilang district representative sa Maguindanao del Norte matapos umanong hilingin ng Central Committee na huwag na siyang tumuloy sa kandidatura.

Ipinaliwanag niya na ang kanyang naging desisyon ay para sa mas malaking kapakanan ng Bangsamoro at upang mapanatili ang pagkakaisa sa loob ng organisasyon. Dagdag pa niya, nananatili ang kanyang tiwala na ang mga hakbang ng MILF leadership ay nakatuon sa ikabubuti ng sambayanang Bangsamoro.

Samantala, pinagtibay rin ni MP Alauddin ang kanyang pagsunod sa kolektibong desisyon ng pamunuan, kasabay ng kanyang mensaheng:

“We hear and we obey.”

Binigyang-diin niya na ang tunay na pakikibaka ay hindi nasusukat sa posisyon kundi sa loyalty, disiplina, adbokasiya, at pagkakaisa bilang Bangsamoro.

Ayon pa kay Alauddin, ang serbisyo ay hindi natatapos sa isang kandidatura lamang, kundi nagpapatuloy sa bawat hakbang ng pakikibaka para sa kapayapaan, pagkakaisa, at adhikain ng Bangsamoro people.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024553
Views Today : 34
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 984
Views Last 30 days : 3704
Views This Month : 787
Views This Year : 23366
Total views : 35501