Matagumpay na isinagawa ng Provincial Government of Maguindanao del Sur ang 5th MDS POPS Awards 2026 bilang pagkilala sa mga lokal na pamahalaan, ahensya, at komunidad na may mahalagang ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at public safety sa Maguindanao del Sur.
Naging tampok sa programa ang pormal na installation ng mga Municipal Peace and Order Council (POC) at Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Coordinators, na magsisilbing pangunahing katuwang sa implementasyon ng mga peace and order initiatives hanggang sa antas ng barangay.
Pinarangalan din ang mga munisipalidad na naging matagumpay sa RIDO settlement initiatives, na nakatulong sa pagpapalakas ng pagkakasundo at kapayapaan sa iba’t ibang komunidad. Kinilala rin ang mga bayan na nagkaroon ng mga bagong drug-cleared barangays bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang naturang parangal ay simbolo ng kolektibong pagkilos at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor para sa layuning makamit ang isang mas ligtas, maayos, at mapayapang Maguindanao del Sur.







Views Today : 36
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 986
Views Last 30 days : 3706
Views This Month : 789
Views This Year : 23368
Total views : 35503
Leave a Reply