𝐍𝐄𝐖 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐁 𝐒𝐘𝐌𝐁𝐎𝐋𝐈𝐙𝐄𝐒 𝐇𝐎𝐏𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇

Patuloy ang mabilis na konstruksyon ng Learning Hub sa Shariff Saydona Mustapha bilang bahagi ng pagpapalawak ng mga programang pang-edukasyon at pangkapayapaan ng Provincial Government of Maguindanao del Sur.

Sa ilalim ng pamumuno nina MDS Governor Datu Ali Midtimbang, Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando, at Cong. Esmael Mangudadatu, patuloy na isinusulong ang pagtatayo ng mga Learning Hubs bilang bagong sentro ng kaalaman, oportunidad, at community development sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, hindi lamang simpleng gusali ang Learning Hub kundi isang mahalagang bahagi ng peacebuilding advocacy ng lalawigan. Layunin nitong magbigay ng ligtas, moderno, at maayos na espasyo para sa pag-aaral at pagpapalawak ng kakayahan ng kabataan at komunidad.

Binigyang-diin din na ang pagpapalakas ng edukasyon ay mahalagang hakbang sa pagpapatatag ng kapayapaan at paghubog ng mas produktibo at matatag na mamamayan. Sa pamamagitan ng mga proyektong tulad nito, hangad ng pamahalaan na maihatid ang serbisyo at oportunidad hanggang sa mga malalayong lugar sa Maguindanao del Sur.

Itinuturing din ang proyekto bilang simbolo ng “Serbisyong May Puso,” na nakatuon sa pangmatagalang kaunlaran, seguridad, at mas magandang kinabukasan para sa bawat Maguindanaon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024539
Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 968
Views Last 30 days : 3688
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485