Nagbahagi ng personal na pananaw si UBJP Cotabato City Executive Officer Zul Qarneyn Abas hinggil sa naging pagtatalaga ng mga Officers-in-Charge (OIC) sa loob ng Moro Islamic Liberation Front at ang usapin ng organizational discipline sa hanay ng kilusan.
Ayon kay Abas, hindi umano tanda ng pagpapahina ang ginawang reorganisasyon kundi bahagi ng pagpapalakas at pagpapatatag ng organisasyon. Iginiit niya na ang isang revolutionary movement ay nangangailangan ng pagkakaisa, disiplina, at pagsunod sa pamunuan upang mapanatili ang integridad ng adhikain nito.
Binigyang-diin din niya na sa anumang organisasyon, ang pagsuway at pagtalikod sa mga prinsipyo at direksyon ng pamunuan ay maaaring magdulot ng pagkawatak-watak at kahinaan sa hanay.
Sa kanyang pahayag, inilarawan niya ang BIAF bilang isang kilusan na nakaugat hindi lamang sa ordinaryong konsepto ng kasundaluhan kundi sa mga prinsipyo ng Qur’an at Sunnah. Ayon sa kanya, ang tunay na katapatan ng isang Mujahid ay para sa Allah, sa Rasuwlullah (SAW), at sa Ameer.
Dagdag pa niya, mahalagang maunawaan ng publiko ang kahalagahan ng organizational discipline sa loob ng isang revolutionary movement at hindi agad husgahan ang mga hakbang ng pamunuan nang hindi nakikita ang kabuuang konteksto ng mga nangyayari sa organisasyon.
Sa huli, nanawagan si Abas ng patuloy na pagdarasal at pagkakaisa upang manatiling matatag ang pamunuan at mamamayan ng Bangsamoro sa gitna ng mga hamon.









Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 968
Views Last 30 days : 3688
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485
Leave a Reply