Isinagawa ang Barangay Assembly sa Bagua 2 kung saan tinalakay ang iba’t ibang programa at proyekto ng barangay na nakatuon sa kapayapaan, seguridad, at kaunlaran ng komunidad.
Pinangunahan ni Fahad B. Singh ang aktibidad katuwang si Eduardo Malicdem, ang bagong hepe ng Police Station 4, na nagpahayag ng suporta sa pagpapalakas ng community-based anti-drug campaign sa barangay.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa paaralan, religious sector, mga purok leaders, BPATs, SK officials, at iba pang stakeholders ng barangay.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, partikular ang pagpigil sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Tinalakay rin ang pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad tulad ng regular na pagroronda, curfew para sa mga menor de edad tuwing alas-11 ng gabi, pagbabawal sa open pipe motorcycles, liquor ban, at maling pagparada sa mga pangunahing lansangan.
Ayon kay Chairman Singh, patuloy na palalakasin ng barangay ang mga programang nakatuon sa peace and order, serbisyong publiko, at pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa upang mapanatili ang kaayusan at proteksyon ng komunidad.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga residente upang maprotektahan ang kabataan laban sa epekto ng ilegal na droga at iba pang suliraning panlipunan.
Kasabay nito, isinusulong din ng barangay ang iba’t ibang development projects sa larangan ng imprastraktura, edukasyon, sports, at kalusugan sa ilalim ng kampanyang “Bagong Mukha, Bagong Bagua 2.”









Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 968
Views Last 30 days : 3688
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485
Leave a Reply