Habang papalapit ang unang anibersaryo ng kasalukuyang administrasyon, patuloy na ipinapakita ng Provincial Government of Maguindanao del Sur ang mga programang naghatid ng serbisyo, kaunlaran, at imprastruktura sa iba’t ibang komunidad sa lalawigan.
Sa loob ng isang taon, naging prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapalakas ng mga programa sa imprastruktura, edukasyon, kalusugan, agrikultura, at peacebuilding upang mas mapalapit ang serbisyo publiko sa mamamayan.
Kabilang sa mga pangunahing proyekto ang pagtatayo ng mga training centers, learning hubs, covered courts, at pagpapatupad ng dredging projects at iba pang community-based initiatives na layuning mapabuti ang kalidad ng buhay at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, nananatiling gabay ng administrasyon ang responsableng pamamahala at “Serbisyong May Puso” upang higit pang mapalakas ang kaunlaran, seguridad, at pagkakaisa sa buong Maguindanao del Sur.
Binigyang-diin din ng lalawigan ang patuloy na pagsusulong ng mga programang nakatuon sa inclusive development at sustainable peace bilang pundasyon ng mas matatag at progresibong Bangsamoro community.









Views Today : 10
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1040
Views Last 30 days : 3776
Views This Month : 763
Views This Year : 23342
Total views : 35477
Leave a Reply