Muli na namang pinatunayan ng Bangsamoro stakeholders na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pagtutulungan. Noong Oktubre 13–14, 2025, matagumpay na ginanap sa Waterfront Hotel, Davao City ang BABAE Project Stakeholders Planning Workshop for 2026–2027, na pinangunahan ng CBCS katuwang ang UNFPA.
Dinaluhan ito ng mga GAD Focal Persons mula sa Datu Montawal, Pagalungan, at Special Geographic Area (SGA), gayundin ng mga kinatawan ng MILG, BWC, SGADA, SGAFO, at PLGUs ng Maguindanao del Sur.
Sa dalawang araw na palihan, nagbahaginan ng mga plano, programa, at karanasan ang mga kalahok — mula sa gender budgeting hanggang sa capacity building — na lahat ay nakatuon sa pagpapatibay ng papel ng kababaihan sa pamahalaan at lipunan.
Ang highlight ng workshop ay ang pagpapakilala ng GFAST (GFPS Functionality Assessment Tool), isang makabagong mekanismo na tutulong sukatin ang kahusayan ng mga GAD focal structures sa rehiyon.
Para sa mga lumahok, higit pa ito sa simpleng workshop — isa itong panibagong hakbang tungo sa mas inklusibong Bangsamoro kung saan ang bawat babae ay may boses, kapangyarihan, at pagkakataong mamuno.







Views Today : 22
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 635
Views Last 30 days : 3558
Views This Month : 1924
Views This Year : 17786
Total views : 29921
Leave a Reply