𝟕𝟒 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐏𝐓𝐬 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑, 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐊𝐓𝐎 𝐍𝐆 “𝐌𝐀𝐏𝐀𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐋𝐄𝐓 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌”

Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa 74 bagong Licensed Professional Teachers (LPTs) na matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) sa pamamagitan ng “MAPADTIMBANG Free LET Review Program.”

Ang programa ay inilunsad sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang Sr. katuwang ang CBRC upang matulungan ang mga aspiring teachers sa lalawigan na makapaghanda para sa board examination.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang tagumpay ng 74 LET passers bilang kauna-unahang batch ng mga benepisyaryo ng programa ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang kalidad ng edukasyon at suportahan ang mga pangarap ng kabataang Bangsamoro.

Binigyang-diin din na ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lalawigan na makapagluwal ng mas maraming propesyonal na guro na magsisilbing gabay sa pagpapaunlad ng edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtibay ng pamahalaang panlalawigan ang dedikasyon nitong magbigay ng oportunidad at konkretong suporta sa sektor ng edukasyon tungo sa mas maunlad at mas inklusibong Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024128
Views Today : 25
Views Yesterday : 102
Views Last 7 days : 601
Views Last 30 days : 3382
Views This Month : 127
Views This Year : 22706
Total views : 34841