Nagpatupad ng malaking dagdag-allowance para sa mga volunteer teachers ang Pamahalaang Bayan ng Datu Odin Sinsuat sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Abdulmain ‘Baba’ Abas bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng mga batang Bangsamoro.
Mula sa dating ₱1,500 kada buwan, itinaas sa ₱7,000 ang buwanang allowance ng mga volunteer teachers bilang suporta sa kanilang dedikasyon at patuloy na paglilingkod sa sektor ng edukasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang hakbang na ito ay bahagi ng pagpapahalaga sa sakripisyo at pagsisikap ng mga volunteer teachers na tumutulong sa paghahatid ng edukasyon sa mga mag-aaral sa komunidad.
Bukod sa pagtaas ng allowance, inanunsyo rin ng LGU na nakatakda nitong ilunsad sa mga susunod na buwan ang isang scholarship program para sa mga college students at out-of-school youth upang higit pang mapalawak ang access sa edukasyon.
Binigyang-diin ng pamahalaang bayan na nananatiling kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon ni Mayor Baba Abas ang pagpapalakas ng sektor ng edukasyon at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga kabataang Bangsamoro.








Views Today : 22
Views Yesterday : 102
Views Last 7 days : 598
Views Last 30 days : 3379
Views This Month : 124
Views This Year : 22703
Total views : 34838
Leave a Reply