Matagumpay na isinagawa ng Ministry of Health-BARMM ang isang Medical Outreach Program sa Tugunan noong Mayo 25, 2026 bilang bahagi ng pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa Special Geographic Area (SGA).
Pinangunahan ang aktibidad ni Abdullah B. Hashim katuwang ang mga medical officers ng MOH-BARMM upang magbigay ng libreng konsultasyon, serbisyong medikal, at iba’t ibang health assistance sa mga residente.
Ayon sa ulat, kabuuang 257 indibidwal ang nakinabang sa outreach program kung saan nakatanggap sila ng libreng medical consultation at iba pang pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Bukod dito, namahagi rin ang MOH-BARMM ng mga hygiene kits para sa mga vulnerable sectors sa lugar, kabilang ang 150 hygiene kits para sa senior citizens at 100 hygiene kits para sa mga mag-aaral ng madrasah.
Nagbigay rin ang outreach team ng mobility assistance sa mga nangangailangan, kabilang ang 10 crutches, 10 walkers, 10 canes, at limang wheelchairs upang makatulong sa mga residente na may mobility challenges.
Pinangunahan naman ng mga medical professionals na sina Dr. Muhammad U. Candao, Dr. Benjamil Orishi U. Tibumbo, at Dr. Jessa Satra D. Ali ang pagbibigay ng konsultasyon at iba pang health services sa mga benepisyaryo.
Ayon sa MOH-BARMM, layunin ng programa na mailapit ang serbisyong medikal at mapalakas ang access ng mga komunidad sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan, lalo na sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa Bangsamoro region.








Views Today : 22
Views Yesterday : 102
Views Last 7 days : 598
Views Last 30 days : 3379
Views This Month : 124
Views This Year : 22703
Total views : 34838
Leave a Reply