Nagsagawa ng emergency relief operation ang Ministry of Social Services and Development sa pamamagitan ng SGA Operations Office nito para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Lagunde noong Huwebes, Mayo 28, 2026.
Ayon sa MSSD, umabot sa 1,315 pamilya ang nabigyan ng family food packs at suplay ng malinis na tubig bilang bahagi ng agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente.
Bago isinagawa ang naturang relief distribution, una nang namahagi ang ahensya ng mga jerry cans noong Mayo 24 hanggang 25 upang magamit ng mga pamilya sa pag-iimbak ng malinis na tubig para sa nakaplanong water rationing operations.
Ipinaliwanag ng MSSD na ang kanilang hakbang ay alinsunod sa mandato ng Bangsamoro Government na suportahan at magbigay ng augmentation assistance sa mga lokal na pamahalaan sa panahon ng sakuna at pangangailangan, batay sa Bangsamoro Local Governance Code o Bangsamoro Autonomy Act No. 49.
Binigyang-diin din ng ahensya na sa ilalim ng Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang mga local government units ang pangunahing first responders sa panahon ng kalamidad, habang umaalalay naman ang regional at national agencies para sa mas malawak na disaster response at humanitarian assistance.








Views Today : 22
Views Yesterday : 102
Views Last 7 days : 598
Views Last 30 days : 3379
Views This Month : 124
Views This Year : 22703
Total views : 34838
Leave a Reply