Naging sentro ng pagkakaisa, propesyonalismo, at pagsusulong ng mabuting pamamahala ang isinagawang flag-raising ceremony noong Mayo 18, 2026 sa Capitol Grounds sa Buluan.
Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculture ang naturang programa na dinaluhan ng iba’t ibang kawani at department heads ng pamahalaang panlalawigan, kabilang si Datu Nur-Ali U. Midtimbang.
Nakiisa rin sa pagtitipon si Arnold V. Juloya na nagbigay ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng kahusayan sa serbisyo publiko at patuloy na pagpapalakas ng human resource systems sa pamahalaan.
Binigyang-diin ni Director Juloya ang layunin ng lalawigan na maiangat ang PRIME-HRM status nito mula Maturity Level II o Bronze patungong Maturity Level III o Silver, bilang bahagi ng pagsusulong ng mas episyente, propesyonal, at people-centered governance.
Nagtapos ang programa sa isang photo opportunity na sumisimbolo sa sama-samang dedikasyon ng mga opisyal at empleyado ng lalawigan na paigtingin ang kalidad ng serbisyo publiko para sa mamamayan ng Maguindanao del Sur.







Views Today : 109
Views Yesterday : 59
Views Last 7 days : 816
Views Last 30 days : 3825
Views This Month : 3694
Views This Year : 30288
Total views : 42423
Leave a Reply