Nagpaabot ng mainit na pagbati si MDS Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr. sa lahat ng Muslim at Bangsamoro communities bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha 2026 o Feast of Sacrifice.
Sa kanyang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng gobernador ang kahalagahan ng pananampalataya, pagkakawang-gawa, at pagtutulungan na siyang ipinapaalala ng buhay at sakripisyo ni Propeta Ibrahim (AS).
Ayon kay Gov. Midtimbang, ang diwa ng Eid’l Adha ay paalala ng kahalagahan ng paglalagay sa kapakanan ng iba bago ang sarili, gayundin ng pagpapalakas ng pagkakaisa at malasakit sa komunidad.
Binigyang-pugay rin niya ang patuloy na pagtutulungan ng mga mamamayan sa pagsusulong ng kapayapaan at pag-unlad hindi lamang sa Maguindanao del Sur kundi sa buong Bangsamoro region.
Kasabay nito, nanawagan ang gobernador na patuloy na pangalagaan at suportahan ang mga vulnerable sectors at mga komunidad na nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
Nagtapos ang kanyang mensahe sa panalangin na manatiling mapayapa at matatag ang Bangsamoro habang ipinagdiriwang ng sambayanang Muslim ang banal na okasyon ng Eid Mubarak.








Views Today : 25
Views Yesterday : 102
Views Last 7 days : 601
Views Last 30 days : 3382
Views This Month : 127
Views This Year : 22706
Total views : 34841
Leave a Reply