Naglunsad ang Local Government Unit ng Datu Odin Sinsuat ng programang βBoosting Academic Brillianceβ, isang scholarship initiative na naglalayong suportahan ang mga karapat-dapat na college students mula sa bayan sa kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ang mga mapipiling benepisyaryo ng kabuuang β±12,000 educational assistance kada school year, o β±6,000 bawat semestre, na ipagkakaloob batay sa kanilang academic performance.
Bukas ang programa para sa mga residente ng Datu Odin Sinsuat na kasalukuyang nasa ikatlo o ikaapat na taon ng kolehiyo sa mga state universities and colleges (SUCs) sa BARMM. Kinakailangan ding magkaroon ng minimum General Weighted Average (GWA) na 2.75 o katumbas nito at manggaling sa pamilyang may taunang kita na hindi lalampas sa β±500,000.
Bibigyang prayoridad sa pagpili ng mga iskolar ang mga kabilang sa vulnerable at marginalized sectors gaya ng persons with disabilities (PWDs), solo parents, underprivileged at homeless citizens, indigenous peoples (IPs), at iba pang sektor na kinikilala ng batas.
Kabilang sa mga kailangang isumite ng mga aplikante ang application form, certificate of residency, report card, income documents, essay, at iba pang kinakailangang supporting documents.
Ayon sa anunsyo ng LGU, nakatakdang magtapos ang pagsusumite ng aplikasyon sa Hunyo 15, 2026, habang ilalabas naman ang shortlist sa Hunyo 22. Ang pinal na listahan ng mga benepisyaryo ay ilalathala sa Hunyo 30, at ang ceremonial awarding ay gaganapin sa Hulyo 6, 2026.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtitibay ng pamahalaang lokal sa pamumuno ni Abdulmain ‘Baba’ Abas ang kanyang layunin na gawing pangunahing prayoridad ang edukasyon at palawakin ang oportunidad ng mga kabataang Bangsamoro tungo sa mas magandang kinabukasan.








Views Today : 260
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 995
Views Last 30 days : 3731
Views This Month : 718
Views This Year : 23297
Total views : 35432
Leave a Reply