𝐆𝐈𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑! 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐈𝐒𝐓𝐒 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐈𝐍𝐂𝐄𝐍𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒

Isang makabuluhang pagkilala ang iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa lalawigan matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa Agusan del Sur.

Pinangunahan ni Provincial Administrator – MDS Nur Ali Midtimbang bilang kinatawan ni Governor Datu Ali M. Midtimbang ang paggawad ng cash incentives sa mga medalistang atleta bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, dedikasyon, at natatanging pagganap sa pambansang kompetisyon.

Nanguna sa mga pinarangalan si Abdulrahman Mutalib ng bayan ng Buluan na nagkamit ng isang gintong medalya, isang pilak, at isang tanso sa Para Swimming. Dahil sa kanyang natatanging tagumpay, tumanggap siya ng kabuuang ₱100,000 na insentibo.

Pinarangalan din si Jaher M. Abdul, mula rin sa Buluan, matapos makasungkit ng dalawang tansong medalya sa Para Athletics sa 100-meter at 200-meter events. Bilang pagkilala, ginawaran siya ng ₱40,000.

Samantala, si J.C. Miguel R. Andres ng Datu Abdullah Sangki ay tumanggap ng ₱30,000 matapos makapag-uwi ng pilak na medalya, habang si Kim Joy V. Tenorio ng South Upi ay ginawaran ng ₱20,000 matapos manalo ng tansong medalya sa Para Athletics VI 100-meter event.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang tagumpay ng mga atletang ito ay patunay ng husay, determinasyon, at talento ng kabataang Maguindanaon. Nagsisilbi rin silang inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga atleta na patuloy na nangangarap na makapagbigay ng karangalan sa lalawigan at sa buong Bangsamoro.

Patuloy namang ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ang suporta nito sa pagpapaunlad ng sports bilang daan sa paghubog ng disiplina, pagkakaisa, at kahusayan ng kabataan.

Congratulations sa ating mga kampeon! Patuloy ninyong ipinagmamalaki ang Maguindanao del Sur at ang Bangsamoro sa pambansang entablado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024506
Views Today : 259
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 994
Views Last 30 days : 3730
Views This Month : 717
Views This Year : 23296
Total views : 35431