Patuloy na pinalalakas ng Bangsamoro Government ang kampanya nito laban sa kagutuman at malnutrisyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng fortified rice sa ilalim ng Sustainable Environment Community Upliftment and Resiliency (SECURE) Convergence Program.
Noong Hunyo 2, 2026, pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), katuwang ang World Food Programme (WFP) at Local Government Unit (LGU) ng Mamasapano, ang ika-anim na batch ng rice distribution para sa mga benepisyaryong pamilya sa bayan.
Kabuuang 500 pamilya ang tumanggap ng fortified rice bilang bahagi ng mga hakbang upang mapabuti ang kalagayan ng pagkain at nutrisyon ng mga sambahayan, partikular sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng SECURE Program ng Bangsamoro Food Security Task Force (BFSTF), isang convergence initiative na pinagtutulungan ng iba’t ibang ministries, opisina, local government units, at development partners sa BARMM.
Layunin ng programa na maghatid ng magkakaugnay na interbensyon para sa food security, nutrisyon, at climate resilience upang matulungan ang mga komunidad na maging mas matatag sa harap ng mga hamon sa kabuhayan at pagbabago ng klima.
Kabilang sa mga katuwang na ahensya sa implementasyon ng programa ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE), Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA), at Ministry of the Interior and Local Government (MILG).
Ayon sa mga opisyal, ang SECURE Program ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang matiyak na may sapat na pagkain, mas maayos na nutrisyon, at mas matatag na kabuhayan ang mga pamilyang Bangsamoro.









Views Today : 15
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1045
Views Last 30 days : 3781
Views This Month : 768
Views This Year : 23347
Total views : 35482
Leave a Reply