“𝐍𝐎 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 𝐎𝐑 𝐓𝐈𝐓𝐋𝐄 𝐂𝐀𝐍 𝐀𝐋𝐓𝐄𝐑 𝐖𝐇𝐎 𝐈 𝐀𝐌” 𝐈𝐂𝐌 𝐒𝐀𝐌𝐌𝐘 “𝐆𝐀𝐌𝐁𝐀𝐑 ”𝐌𝐀𝐂𝐀𝐂𝐔𝐀 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍𝐀𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐍𝐄𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐎𝐋 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐒𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄

Naglabas ng kanyang unang malawakang pahayag si Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy” Macacua matapos siyang suspendihin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee bilang Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Macacua na iginagalang niya ang naging pasya ng MILF Central Committee, kasabay ng pag-alaala sa mahigit apat na dekadang pakikibaka at pagsunod sa disiplina ng organisasyon.

Gayunman, iginiit niya na ang kanyang tungkulin bilang Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nakabatay sa batas at pananagutan sa publiko.

Ayon kay Macacua, ang kanyang naging desisyon kaugnay sa pamunuan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ay hindi usaping pampulitika kundi bahagi ng kanyang obligasyong tiyakin ang accountability sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Tinukoy niya ang mga katanungang ibinangon ng Commission on Audit (COA) hinggil sa humigit-kumulang ₱2 bilyong halaga ng mga transaksyon sa sektor ng edukasyon. Aniya, bilang pinuno ng regional government, wala siyang opsyon kundi tiyaking masusunod ang batas at maisasagawa ang mga kinakailangang hakbang para sa transparency at pananagutan.

Binigyang-diin din ni Macacua na ang tunay na pagpapatuloy ng kapayapaan ay hindi lamang nakabatay sa mga kasunduan kundi sa pagtatayo ng matatag at malinis na mga institusyon na kayang ipasa sa susunod na henerasyon.

Kasabay nito, nilinaw niya na hindi dapat tingnan ang kasalukuyang sitwasyon bilang isang tunggalian para sa kapangyarihan. Ayon sa kanya, patuloy na gumagana ang mga ministeryo, nagpapatuloy ang paghahatid ng serbisyo publiko, at tuloy rin ang paghahanda para sa nalalapit na halalan sa Bangsamoro.

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, nanawagan si Macacua sa mamamayang Bangsamoro na manatiling nagkakaisa at huwag hayaang ang mga usaping pampulitika ay magdulot ng pagkakahati-hati sa lipunan.

“I remain a servant of our struggle, and I will continue to do my duty to the law and to our people,” pahayag ni Macacua, habang muling tiniyak ang kanyang patuloy na paglilingkod sa mamamayan at sa adhikain ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024537
Views Today : 15
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1045
Views Last 30 days : 3781
Views This Month : 768
Views This Year : 23347
Total views : 35482