Sa utos ni Governor Datu Ali Midtimbang, agad na kumilos ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang makapaghatid ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng baha sa Maguindanao del Sur.
Sa tulong ng BARMM READi at DSWD Region XII, daan-daang food packs ang naipamahagi sa Municipal Gym ng Datu Saudi Ampatuan, kung saan pansamantalang tumutuloy ang ilan sa mga apektadong pamilya.
Hindi dito natapos ang tulong — sinundan pa ito ng pamamahagi sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, katuwang ang lokal na pamahalaan.
Ang bawat pack ng pagkain ay simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at agarang aksyon ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Para sa mga residenteng tumanggap ng tulong, higit pa sa relief goods ang hatid nito — ito ay pag-asang hindi sila nag-iisa sa gitna ng sakuna.










Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476
Leave a Reply