Maguindanao del Norte | Oktubre 19, 2025 — Bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad, ipinagkaloob ni Member of Parliament (MP) Ubaida Pacasem ang dalawang bagong ambulansya at financial assistance sa mga piling Barangay Health Workers (BHWs) sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.
Ang naturang mga ambulansya ay pormal na itinurn-over sa Iranon Provincial Hospital at Datu Blah T. Sinsuat District Hospital sa pamamagitan ng isang seremonyal na programa na inorganisa ng opisina ni MP Pacasem.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Pacasem, katuwang ang Ministry of Health (MOH) sa pangunguna ni Deputy Minister Zul Qarneyn M. Abas, M.D
Layunin ng inisyatibong ito na mapatatag ang community-level health care system at mapahusay ang emergency response capacity ng mga pampublikong ospital, lalo na sa mga liblib at underserved na barangay.
Ayon kay MP Pacasem, ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bangsamoro Government na maihatid ang de-kalidad na serbisyo at tulong medikal sa lahat ng mamamayan ng rehiyon.
Dagdag pa niya, ang mga ambulansyang ito ay magsisilbing ‘lifeline’ sa mga lugar na may limitadong access sa mga pangunahing ospital, at magbibigay-daan sa mas mabilis na pagresponde sa mga medikal na emerhensiya.
Pinuri rin ng mga opisyal ng MOH ang patuloy na pagtutulungan ng opisina ni MP Pacasem sa pagsusulong ng mga proyektong makatao at nakatuon sa serbisyong pampubliko.







Views Today : 22
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 635
Views Last 30 days : 3558
Views This Month : 1924
Views This Year : 17786
Total views : 29921
Leave a Reply