BUBONG, LANAO DEL SUR – Tumanggap ng food at non-food relief assistance ang 25 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Rogero, Bubong noong Hunyo 15, 2026.
Kabilang sa ipinamahaging tulong ang family food packs na may laman na 25 kilong bigas, de-latang pagkain, at kape, gayundin ang mga sleeping kits, cooking sets, cleaning kits, water kits, at mga trapaulin upang makatulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at ari-arian.
Layunin ng agarang pamamahagi ng ayuda na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhang residente habang sila ay nagsisimulang bumangon mula sa insidente.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan upang matiyak na maihahatid ang kinakailangang suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.









Views Today : 32
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 816
Views Last 30 days : 3749
Views This Month : 3350
Views This Year : 29944
Total views : 42079
Leave a Reply