MAGUINDANAO DEL SUR – Pinangunahan ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr. ang turnover ceremony ng 16 na brand-new Honda XR150 Military Patrol Motorcycles para sa 6th Infantry Division (6ID), Philippine Army noong Hunyo 16, 2026.
Tinanggap ang mga yunit nina MGen. Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6ID, at BGen. Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade. Nakiisa rin sa programa si Mayor Datu Nathaniel Midtimbang, Pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)–Maguindanao del Sur.
Layunin ng pagkakaloob ng mga patrol motorcycles na mapalakas pa ang kakayahan ng mga tropa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagpapalawak ng security operations, at mas mabilis na pagtugon sa mga emergency at kalamidad sa iba’t ibang komunidad sa lalawigan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang inisyatiba ay sumasalamin sa matibay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng Armed Forces of the Philippines sa pagsusulong ng isang ligtas, matatag, at mapayapang Maguindanao del Sur.









Views Today : 32
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 816
Views Last 30 days : 3749
Views This Month : 3350
Views This Year : 29944
Total views : 42079
Leave a Reply